CWW Concert

By: gmacomics

Jul 26 2008

Category: sound proof

Leave a comment

Aperture:f/5.6
Focal Length:18mm
ISO:1600
Shutter:1/100 sec
Camera:Canon EOS 450D

nagkaron ng isang napakalaking gathering ng mga churches dito sa saudi arabia at ito ung CWW. pero ito ay buong eastern region lang. isa kami sa nainvite para magparticipate at tumugtog ng 2 songs. actually natapos na ung concert at naging successful naman sya. all 1,400 tickets sold out. isang matinding pagprepare ang ginawa as a whole ng mga  different churches kaya salamat kay God and it turned out a victory.

CWW concert venue - rakah

kung makikita nyo ung setup is composed of 2 sets ng instruments meaning 2 drums, 2 keyboards, 2 bass, 4 guitars. grabe noh. hhahaha. pati ung mismong stage ay pinagawa sa contractor. kumbaga talagang pinaghandaan ung mismong event so as it will be worth watching and seeing. maganda naman un gplace at cozy sya though hindi lang talaga sya ung pang concert na place talaga kasi ung reverberation ng sound is very high at madalas magfeedback. gud thing we have great technicians na din na kahit may mga unwanted noise still they did a great job naman installing the setup.

                                

bale almost 2 months ang preparation ng mga bands and other performers. we had great time lalo na sa practices kasi dumadayo pa kami ng aziziyah, yun yung puntahan ng mga saudi pag gusto nila magbeach. ung geographical landmark kasi ng state ng tinitirhan ko ay nasa coast ng dagat kaya almost everywhere ka magpunta may dagat kang makikita. kaya nga lahat ng industrial companies lalo na ung mga oil and gas caompanies ay malapit sa amin. syempre para nga naman ung ease of access ng pagexport ng mga gaso. so balik sa concert, every friday ung naging practice namin kaya sobrang busy lahat pag weekend excluded pa yung mga practices ng kanya kanyang performers. our band in our local church played a song of casting crowns (a CCM band) and another from the album of Hillsong Australia.  almost all naman ng songs came from various artists ng CCM genre. CCM nga pala ay Contemporary Christian Music. ang mga world renowned CCM bands ay switchfoot, sixpence none the richer, steven curtis chapman, stacie orroco, kirk franklin, at marami pang iba. hmmnn. 

 

total assumption ng mga nagperform umabot ng 180 people. kasama na din yung mga kids. kakatuwa din pagmasdan sumayaw ung mga kids kasi meron isang magpartner na prehong 5 years old pa lang ay nakakasabay na din sila sa tyempo. so talagang nung sumayaw na sila, sa main event sila ung main attraction of the day. sila ung nasa ibabang picture.

 

so yun nga bukod sa mga kids meron ding mime. bali ang bakground song nila ay live band din so astig din talaga. at maganda ung performance nila. masasbi mong captivating every seconds ung pagarte. dati boring na boring ako sa mga ganitong performance. well kasi personally di naman ako talga nanonood kaya nasasbi ko na pangit ang mga ganitong setup sa performance pero nung napanood ko sila sobrang napanganga ako sa upuan ko hawak ung camera ko. kaya ayun natuwa ako sa kanila at pinagpipitcturan ko sila sa dressing room. meron ding mga hand mime at ayus din yung performance nila nung mismong araw ng event.

mime @ dressing room

mime @ dressing room

 

so yun nga. nakipagkulitan lang me sa kanila at sa sobrang kakulitan nila yan ang kinalabasan ng mga shots. akala ko nga nung may makeup lang sila mahilig magpakuha ng litrato pero nung nawala na ung mga make up puros picture pa rin. hahaha. joke lang guys. the camera loves you all. so to continue, to think na twice sila nagperform ng mime sa loob ng isang araw ung energy level nila ay nasa maxmimu level pa rin. sila na din naginitiate ng mga pose nila kaya sarap kuhaan talga ng mga pictures. pati mga facial expressions nila sure na matatawa ka.

sayang lang hindi ko nakuhaan ung mga nag hand mime kasi bukod sa mga nagbody mime iba pa sila. pero ok lang yun kasi hand naman sila eh. hahaha. check ko nga baka may nakuha akong shot sa kanila.

 

circle of mime

circle of mime

different faces

different faces

actually marami pa sana me ilagay na litrato pero i think gawan ko n alang sila ng album para maview nyo silang lahat sa isang folder probably sa flickr na lang. mejo inaayos ko pa kasi ung album ko dun pero soon ipost ko na din dito yun. para din mailgaya ko ung mga ibang nagperform din nung concert dito sa post ko. so next is the interpretative dance. parang ang gay ng dating noh? ung manood ng interpretative dance with song number. hahahaha. actually hindi naman ganun. sabi nga nila every form of music and dance is an art so i guess this is one of em.
 
mom ni mj

mom ni mj

 
before ko iexplain ang details nitong interpretative dance na ginawa nung concert. ung nasa picture ay si tweety, sya ung mom ni mj na cute na bata na magaling din magsayaw. may pinagmanahan. hehehe. si tweety din ung isa sa coordinator nitong concert nito. so kudos to her and the team who made this event a success. so start up, at first i didnt notice her doing this interpretative syempre i was busy focusing on the singers and also ung spotlight ay nakatutok lang sa mga kumakanta then may smoke machine effect pa but then when she started na magsway at  magsayaw nagulat me bakit hindi tinututok ng spotlight dun sa kanya so i pulled myself out sa mga singers and start capturing images on her. kaya nga mejo kelangan ko maghabol ng iso para lang lumiwanag dahil madilim talaga.  by the way, ung mga pictures ko dito ay jpeg format na at marami nang loss kaya mejo maraming noise. hehehe. so overall naging maganda ung performance dahil bukod sa mgagalilng na singers meron ding magaling magsayaw.
 
bukod kay tweety meron ding isang interpretative dance but htis time waas done by a guy and there were no singers. pure dance performance lang. sya naman si dondon. magaling din at pati ung pinakaesence na gusto nila ipakita sa tao ay nagawa nila. here aer some of the pics na nakuhaan ko teka ng kaibigan ko pala. at ako nagpapahinga that time. hahaha.
dondon

dondon

 
though napanood ko naman sila nung umaga. pinaubaya ko lang muna kay hannah ung pagpicture at tutal naman ay marunong din sya sa dslr. astig din ung mga shots nya. by the way itong picture na ito inedit ko using photoshop pati ung battle for the soul pic. ginawan ko lang ng effect na sa tingin ko magmukhang striking ung dating. i hope ganun nga nangyari. hahaha.
 
bale ung story behind nyang picture na yan is pertaining to the free will God gave us and so we are all responsible with all our decisions and actions. ung parang cross signifies as the one controlling us like those ng mga puppets. but then because there are times we tend to be comforted and feel easy with our life nakakalimutan natin how God had lend us life kaya ung evil strives hard din para makuha nya ung pangcontrol ng life natin making us fade away from Him.
 
 
in the near end of the story, though sin had been controlling our lives when we ask for forgiveness, God wil be there and renewed us once again giving us back in control of our lives and when the evil tries to get it back, if we already are aware we can resist it and focus more on our lives and in Him. simple story yet very informative and striking.
 
battle for the soul

battle for the soul

 
so magaling din ung performance nila at sobrang naging parang interactive pa ung dating dahil pati ung mga alipores ni satanas ay pumunta mismo sa mga audience kaya talagang magising ka sa high level performance nila eh. hehehe.
the devil behind us

the devil behind us

at syempre ung mga singers lahat magagaling. age doesnt matter when it comes to singing and all of them were impressive. kaya all throughout the program talagang hindi ka antukin at ayaw mong tumayo para mag CR.
           
 
hindi ko na banggitin ung mga names just to be fair kasi hindi ko kabisado names ng iba. so ito pa ung mga ibang singers. hindi ko na din nasama ung iba dahil sa dami hindi ko pa naedit ung ibang pictures.
 
 
grabe ang voice nitong dalawa nung bumirit na sa kantahan.
ang ganda ng voice nila pareho. at yung threesome sa kanan na
pciture naman parang katinas ang dating ng voice nila. galing din!! talented lahat sila actually. at syempre hindi ko makalimutan ang mga musicians! ito na mga pictures nyo guys! hehehe.
 
 
bago ang mga instrumentalists isama ko na din itong gerl na ito. i think she’s in her 14 years of age pero sobrang taas ng boses nya. i believe mas gagaling pa ito when the right time comes. i mean at her age mataas at maganda na ang voice nya panu pa kaya after 5 years or so? well enuf of the singers. kami naman!! hehehe
 
 
sa mga instrumentalists ay madami. galing din sa mga local churches tulad ng Emmanuel, JIL, UR, TGS-LOH at marami pang iba. here are the pictures of em…
behind the sticks

behind the sticks

  drums muna inuna ko para naman maiba. usually kasi sa introduction sila lagi ang huli. hehehe.

main keys

main keys

kuya larry

kuya larry

used to be guitars.hehe. my dad

used to be guitars.hehe. my dad

pagkatapos ng keys at ng drums guitars naman…
lady guitarist

lady guitarist

on guitars with his peek a boo bassist

on guitars with his peek a boo bassist

under the shadows

under the shadows

and of course ang mga bahista!!!!
main bassist

main bassist

andy, mark allen and me

andy, mark allen and me

at isang close up ko lang with bogartness mark aka dongski. hehehehe. truly it was fun and amazing event na naganap that time. i just wish maulit ulit. salamat sa pagbabasa. un lang.
ayows!!

ayows!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: