GMACTOGRAPHY

By: gmacomics

Jul 25 2008

Category: photography

2 Comments

Aperture:f/5
Focal Length:23mm
ISO:800
Shutter:1/4 sec
Camera:Canon EOS 450D

well ito ngayon ang kinababaliwan kong hobby. magastos pero sulit naman at napakaworthwhile pagaksyahan ng panahon. hehehe. isang taon ako nagbasa basa at nagresearch tungkol sa akung anu ang dapat kong bilhin na dslr. marami naman akong natutunan pero mahirap pala talaga ang maging dependent sa libro at mga notes lang. much better pa rin ang actual na ginagawa mo ang isang bagay kasi malalaman mo kung anu talaga ang theory based on actual applications. so after a year i finally decided to go with canon eos. kaso lang syempre dahil kapos sa budget yung eos 450d ang kinuha ko. so far sobrang satisfied naman ako sa camera. maganda sya at sharp though syempre mas maganda pa rin ung mga latest na camera ngayon ng canon tulad ng 5d at mark III. yun ang pang professional talaga! balang araw magkaron din ako nun. sana. hehehe.

mini figure GOH

yan yung picture sa isa sa mga kinuhaan ko nung una kong makuha ung eos450d. ang nagustuhan ko sa canon compare sa ibang brands ay meron syang live preview kahit may TTL(through the lens) na sya. tapos magaan sya at very handy. kinompare ko ang weight ng nikon d100 at canon eos450d, nakita kong mas magaan ang canon. meron din kasi kaming nikon d100 at d200 na gamit namin sa ofis. tapos malaki ang screen ng canon. though hindi ko lang nagustuhan ang breakdown ng ISO ng canon ok pa rin naman sya. ang nakita ko na maraming noise na ang eos450d at ISO 1600. hindi ko alam kung bakit pero somehow i find it noisy pag nilalagay ko na sa 1600 ung ISO nya. . makita nyo na din ung mga exif ng mga pictures ill be posting, i think intact pa rin naman ung details ng shots.

CWW mime

CWW mime

ito ung shot na kinuha ko last last week sa isang church with a cause na concert kung saan naimbitahan kaming tumugtog. ito ung nakita ko sa dresing room. halo halo. may mime, may mga dance group, may interpretative dance at syempre mga pinoy na nagwork din dito na nagform ng mga bands.

ang basic features ng eos450d ay ito:

  • 12.2 MP (megapixels
  • 3.5 frames per second
  • 3.0″ LCD live viewing shooting
  • 9 point wide-area AF system with f/2.8 cross type centre point
  • picture style imgae processing parameters
  • DIGIC III image processor
  • Digital Photo Professional RAW Processing Software

basically ang eos 450d ay nasa line ng mga pang commercial and household purposes only at hindi pa sya ung talagang pang high end profesional photography. sya ung pinakalatest sa level ng mga pang commercial purposes lang. isa pang tawag sa kanya ay rebel Xsi kasi bago lumabas ito ang sinundan nya ay yung rebel Xti na canon. kung mapapansin nyo ung mga ibang photographers na walang live view shooting laging ang pangit ng posisyon nila para lang makakuha ng magandang shot dahil nga kelangan pa nila tumingin sa lens pero dito sa canon ung feature nya na live view shooting kahit awkward ung posisyon mo camera na lang galawin mo kasi nga nakikita mo na sya sa screen.

nightwing

nightwing

ang isa pang nagustuhan ko sa kanya ay yung sensor cleaning nya. though syempre mas maganda pa rin na manually nililinis mo ung sensor mo using certain tools. ang problem lang dun sa certain tools grabe ang mahal lalo na ung suction na electronic. isang kit kasi yun pag binili mo at may kasama na ding solution para panlinis ng sensor. ang ginagawa ng integrated cleaning system ng eos ay miniminimize nya ung dust generation, meron syang anti static technologies installed sa low pass filter ng camera na nagcover sa sensor para hindi makaattrat ng dust, pagkatpos ng start up meron syang hi frequency vibrations para ishake ung mga dumi sa infrared filter. masyadong teknikal noh. hehe. basta may kapangyarihan na syang magalis ng dust pero not totally so i suggest na maglinis pa rin manually.

bogartness mark - our guitarist

bogartness mark - our guitarist

syempre ako din naman gusto kong meron akong picture ng sarili ko kaya ang ginagawa ko nilalagay ko sa preset ng eos450d ung settings tapos pinapakuha ko sa mga kakilala ko. merong 6 presets ang 450d. yan yung usually makikita nyo sa mga digicam na mga portrait, sports, landscape, at macro settings na default na. so kung ipahawak nyo ung camera nyo sa ibang tao, jan nyo na lang ilagay tapos i-automatic focus nyo na lang sya para kahit walang alam sa dslr yung hahawak maganda pa rin ung shot. ito ung sample ko ng shot ko. bata lang ang pinahawak ko nito nung tumalon ako. i think 10 years old.

yoga

yoga

magastos nga lang ang pag ito naging hobby mo. biruin mo sa lens pa lang bubutasin na ang bulsa mo. buti na lang kamo walang gaanong tindahan dito ng mga pang digital camera. kaunti lang ang dealer dito ng mga dslr at lens. so malamang pagbalik ko sa pinas para magbakasyon baka kumuha ulit ako ng panibagong lente na magfit sa vineventure ko. basically pag naging hobby mo ito meron ka dapat preferred na kinukuhaan. hindi ung lahat gusto mo. merong mga different types na dapat mong iventure sa photography. isa na jan ung sa tinatarget, portraiture at performing arts. it covers ung mga concerts, classical and thatrical shows tapos ung portraiture syempre tungkol sa mga tao. ngayon meron ding sports photography, macro photog, photojournalism covers ung everyday life, still picture and social events, at meron ding landscape photography. ngaun kung gusto mo lahat yan malamang kelangan mo bumili ng maraming lens kasi merong specialized lens for each type of photography na gusto mong iventure. so far ang lens na meron ako ay yung kit lens na 18-55mm (conversion will be 0.25mm = 8ft) at yung 75-300mm ef f/4-5.6 

ef lens 75-300mm

ef lens 75-300mm

so yun lang naman. ill be posting na lang ung mga iba kong shots sa mga latter topics ko. sana may natutunan kau kahit kaunti. hehe. basta  ang importante sa photography hindi camera ang nagpapaganda sa mga shots kung hindi ung gumagamit. kahit anu pang camera mo, kaya mong pagandahin ang shot at image. basta magstick lang kau sa mga rules ng photography gaya ng rules of thirds, at marami pang iba.

Advertisements

2 comments on “GMACTOGRAPHY”

  1. Very educational and informative, marami akong natutunan sa entry mo kasi frustrated photographer ako. Hindi ko nga alam ko paano ko pinasa ang photography class namin in college. By the way, I stumbled on your blog while browsing through wpp:)

  2. samamat antonette. hobby lang po ito. thanks for droppin by. see u sa wpp!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: