T.G.I.T – Thank God Its Thursday

By: gmacomics

Jul 24 2008

Category: sound proof

3 Comments

thursday na naman!! tuwang tuwa! kasi ito ang unang araw ng weekend dito sa saudi. kumbaga ito ang pinakasaturday namin kung ikumpura sa pinas. plus ito ang araw kung saan makapamasayl ako, makatawid ng kabilang building at magstay dun at makipagdaldalan!! hehehe. ang pinakaimportante ay ito ang araw ng aming pagpunta ng church namin dito. ito din ang araw ng aking pagtugtog ng bass.

with yamaha 4stringed bass

yan! bukod sa pangongolekta ng mga statues, busts, diecast, figures at cd’s, ito ang isang libangan ko – ang pagtugtog. originally tumutugtog ako sa pinas kasama ng mga dati kong katrabaho sa abs cbn at meron kaming band na ang name ay undertones. ang genre namin halo halo pero ang theme ng band ay acoustic. bakit kamo naging halo halo? kasi yung bokal-ista namin ay new waver, ang bahista namin na mukha daw bouncer ayun sa isang kakilala ko ay metal at ung percussionist namin ay galing sa bandang ang genre ay ethnic(??) at ang violinista namin ay classical at jazz at ako naman  jologs. hehehe. biro lang. ang sa akin kasi mga love songs at alternative. love songs = most requested songs.

undertones band

undertones band

hirap din mag acoustic ha. kasi kelangan malinis kang mag gitara at pag may narinig kang kaunting pagkakamali asahan mo sa mga bars unti unti mawawala ang mga audience mo. so kelangan talaga lagi kau nagpractice. usually nung nasa pinas pa ako nun sa quezon city lang kami umiikot sa mga bars ng pagtugtog kahit na gusto namin sa makati at sa the fort hindi kaya kasi ang layo. talo sa gasolina tapos ang layo pa. ang nakakatuwa sa pagbabanda sa mga bars marami kang makikilala din na ibang banda na yun din ang pastime. minsan nga nagkikita kita din kami sa mga ibang bars na pagtutugtugan namin. pero mahirap din i-career ang pagbabanda kasi hindi sya consistent tulad ng may monthly na sahod kaya nga pastime lang sa amin ang pagtugtog nun kasi hindi namin alam hanggang kelan kami tutugtog. merong mga offers sa ibang bansa pero syempre sayang din naman ung mga pinagaralan namin kung ituloy namin at careerin ang pagbabanda. ung bokal-ista namin video producer ng abs cbn at ung violinista namin si rosetti rivera na reporter ngayon ng GMA-7 pero dating taga dos. naaalala ko nung minsan nung tumutgtog kami sa congo grille tomas morato may nagrequest sa amin ng isang song tapos ang tip 1k php. astig di ba. tip lang pwera pa ung bayad ng mismong restaurant. masya din ang pagband kaso may halo ding pagod, kaba, quota at marami pang iba. kaya kung magbanda kayo pagisipan nyo din kung kayanin nyo ng tuluy tuloy. pag hindi nyo kaya wag na lang at siguradong magagaya ka sa mga taong grasa! hehehe.

with rosetti rivera

with rosetti rivera

ito nga pala ung time na umuwi ako para magbakasyon sa pinas ng isang buwan. nakakuha pa rin ng gig kahit saudi boy na. hahahaha. si rosetti rivera ay isang malapit na kaibigan na nung nakilala ko ay ni hindi ko makausap sa hiya ko. hehehe. nasaktuhan nya ako nung malapit na me bumalik dito sa saudi at inimbitahan sa isang kasal ng kaibigan nya para tumugtog sa bridal entourage. so basically with her violin at ako naman ang gitara kami ang background music! astig di ba. hehe. pero sa totoo lang maganda nga ung effect kaysa ung may kumakanta habang naglalakad ung bride. sa opinyon ko mas solemn at dramatic ang entourage pag live background music lang eh sakto uso pa ang acoustic. ung gitarang gamit ko hiram lang galing sa bokal-ista namin. astig ung gitara nya, takamini ang tatak. worth 30k php. kaya nga super dahan dahan ako nung hiramin ko yan eh. baka maiscratch ko yari ako. hehehe. ill post more of the regualr gigs we had nung band na undertones sa ibang topic…

balik dun sa thank God its thursday. so basically ako nga ang bahista ngayon. nagstart lang ako magbass nung dumating ako dito. ok naman so far at nakakasunod sa mga tugtugan. gusto kong kajamming ung gitarista namin dito at ung drummer. astig din. pag sound check isang malupit na joe satriani ang birada. hehehe. so syempre sunod naman ako. kanya kanya nga lang kapaan ng mga nota. kaya kakachallenge din. so kanina, kakatapos lang nang gawain kaya ito pagod na naman pero worth it naman. kaya ngayon matutulog na ako at bukas ng madalaing araw may practice pa kami ng basketbol…

Advertisements

3 comments on “T.G.I.T – Thank God Its Thursday”

  1. naks, magaling na musikero talaga ang mga pinoy e. alam mo, hind lang yung guiatr at violin ang bagay, parang bagay rin kayo 🙂 welcome sa WPP!

  2. kamusta naman ang tugtugan 🙂 hello kita na lang tayo sa wpp!

  3. nag lead vocals din ako dati in a band, puro invitations and auditions lang hanggang sa sinabi ni mister psst tigil na yan pumirmis kana sa bahay hehe. ung dating band ko may regular gig na sila ngayon at one time nakapag-abroad na rin sila. ngayon videoke na lang ang kinakarir ko hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: